സ്വീഡൻബർഗിന്റെ കൃതികളിൽ നിന്ന്

 

Ang Puting Kabayo Inilarawan sa Pahayag 19 #0

ഈ ഭാഗം പഠിക്കുക

/ 17  
  

(Sinundan ng Materyal sa Ang salita at Ang Espirituwal o Panloob na Kahulugan Nito Hinango Mula sa Lihim ng Langit Ang Puting Kabayo Inilarawan sa Pahayag 19)

Mga Nilalaman

[1] Ang Puting Kabayo na Inilarawan sa Apocalipsis, §15

[2] Ang Salita at ang Espirituwal na Kahulugan Nito mula sa Mga Lihim ng Langit, §§617

/ 17  
  

സ്വീഡൻബർഗിന്റെ കൃതികളിൽ നിന്ന്

 

Ang Puting Kabayo Inilarawan sa Pahayag 19 #17

ഈ ഭാഗം പഠിക്കുക

  
/ 17  

17. Iba pang bagay tungkol sa Salita. Sa wikang Hebreo, ang terminong "Salita" ay may iba't ibang kahulugan - pagsasalita, isang kaisipan ng isip, anumang bagay na sadyang may pinagmulan, at ilang partikular na bagay: 9987. Ang "Ang Salita" ay nangangahulugan ng banal na katotohanan at ang Panginoon: 2894, 4692, 5075, 9987. Ang “Salita” ay nangangahulugan ng mga bagay na totoo: 4692, 5075. Ang "Salita" ay nangangahulugan ng isang pangkat o katawan ng aral o turo: 1288. Ang "Sampung Salita" ay nangangahulugan ng lahat ng bagay na banal na totoo: 10688.

Lalo na sa Mga Propeta, mayroong mga pares na pahayag na may parehong ideya, isa na tumutukoy sa kabutihan at isa na tumutukoy sa katotohanan, na nagkakaisa sa ganitong pamamaraan: 683, 707, 2516, 8339. Walang paraan upang malaman ang tumutukoy sa kabutihan at alin sa katotohanan maliban sa panloob na kahulugan ng Salita, sapagka’t may mga espesyal o tanging salita para sa pagpapahayag ng mga aspeto ng ano ang mabuti at mga espesyal na salita para sa pagpapahayag ng mga aspeto ng kung ano ang totoo: 793, 801. Ang mga kahulugan na ito ay hindi pabago-bago na sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa mga salita na lumitaw sa isang ibinigay na konteksto ay maaari nating sabihin kung ang reperensiya ay tumutukoy sa kabutihan o sa katotohanan: 2712. Na kung minsan ang isang pahayag ay kinapapalooban ng isang bagay na pangkalahatan, at ang iba pang pahayag ay nakatuon sa ilang hango nitong pangkalahatang bagay: 2212. Mayroong isang uri ng paghahalili sa [panloob na kahulugan ng] Salita: 2240 (na kinabibilangan ng ilang talakayan). Maraming pahayag sa Salita ay mayroon ding kabaligtaran na kahulugan: 4816. Ang panloob na kahulugan [ng isang pahayag] ay naaayon sa sinasabi tungkol sa paksa.

Sa kabilang buhay, ang mga taong nalulugod sa Salita ay kumukuha ng init sa langit - na isang behikulo o sakayan para sa panglangit na pagibig - alinsunod sa kalikasan at tindi ng kasiyahan na kinukuha nila sa pag-ibig na iyon: 1773.

Ang Wakas

  
/ 17