Ang Puting Kabayo Inilarawan sa Pahayag 19 #2

Од страна на Емануел Сведенборг

Проучи го овој пасус

  
/ 17  
  

2. Ang mga kabayo ay madalas na mabanggit sa mga propetikong aklat ng Salita, nguni’t hanggang ngayon ay walang nakakaalam na ang kabayo ay nangangahulugan ng pag-unawa at ang sumasakay nito ay nangangahulugan ng isang taong matalino. Marahil ito ay dahil tila kakaiba at nakakagulat na sabihin na ang isang kabayo ay may ganitong uri ng kahulugan kapag espirituwal na naintindihan, at samakatuwid ay mayroong ganitong uri ng kahulugan sa Salita. Maraming suportang mga talata mula sa Salita para dito na kung saan ay nais kong magbanggit ng kaunti lamang. Sa propesiya ng Israel tungkol kay Dan:

Si Dan ay magiging ahas sa daan, at ulupong sa landas, na nangangagat ng ma sakong ng kabayo, na nahuhulog sa likuran ang sakay niyaon at ang sumakay nito ay nahulog paatras. Aking hinintay ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon. (Genesis 49:17, 18)

Walang makakaintindi sa kahulugan ng hulang ito tungkol sa isa sa mga angkan ng Israel na hindi nakakaalam ng kahulugan ng ahas at ng kabayo at ng nakasakay. Walang sinuman ang hindi maaaring makaalam, gayunpaman, na may bagay na espirituwal na nakapaloob. Maaari mong makita kung ano ang ibig sabihin ng mga partikular na bagay na ito ayon sa Mga Lihim ng Langit 6398, 6399, 6400, 6401, kung saan ipinaliwanag ang hula na ito.

Sa Habakkuk:

Panginoon, ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo; sa iyong mga karo ng kaligtasan. Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo. (Habakkuk 3:8, 15)

Makikita natin na ang mga kabayo dito ay nangangahulugan ng isang bagay na espirituwal dahil sa mga bagay na ito ay nagsasabi ng tungkol sa Diyos. Kung hindi man, ay ano ang nakapaloob sa pagsakay ng Diyos sa kanyang mga kabayo at naglalakad sa dagat sa pamamagitan ng kanyang mga kabayo?

Pinapatotohanan din ito sa Zacarias 14:20: “Sa araw na yaon, “KABANALAN AY SA PANGINOON” ay mauukit sa mga kampanilya ng mga kabayo; at sa Zacarias 12:4,5: “‘Sa araw na iyon, ’sabi ng Panginoon,‘ aking tutuligin ang bawa’t kabayo, at ang sakay nito ng pagkaulol; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda, at aking bubulagin ang bawa’t kabayo ng mga bayan.'" Ito ay tungkol sa paglilinis ng simbahan na nangyayari kapag wala ng anumang pag-unawa sa kung ano ang totoo, kaya ito ay inilarawan sa mga tuntunin ng kabayo at sakay. Kung hindi gayon, ay ano ang kinapapalooban ng paghagupit sa bawa’t kabayo sa pagkalito at paghagupit sa bawa’t kabayo ng mga tao sa pagkabulag? Ano ang kaugnayan nito sa iglesiya?

Sa Job:

Sapagka’t binawian siya [ostrich] ng Diyos, Ni hindi siya binahaginan ng karunungan, Anomang panahon na siya’y napaiitaas, Hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito. (Job 39:17, 18, 19, at ang sumusunod)

Dito ay halata na ang kabayo ay nangangahulugan ng pag-unawa. Ito rin ang lagay ni David kapag ito ay nagsasalita ng "pagsakay sa salita ng katotohanan" (Mga Salmo 45:4) at sa maraming iba pang mga talata.

Dagdag pa, sino ang makakaalam kung bakit tinawag sina Elias at Eliseo na "ang karo ng Israel at ang mga kabalyero nito” at kung bakit nakita ng lingkod ni Elisha ang bundok na puno ng mga kabayo at karuwahe ng apoy kung hindi nila alam kung ano ang kahulugan ng karo at ng kabalyero at ano ang kinakatawan nina Elias at Eliseo? Sapagka't sinabi ni Eliseo kay Elias, "Ama ko, ama ko, mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon!" (2 Hari 2:11, 12); at sinabi ni Haring Joas kay Eliseo, Ama ko, ama ko, ang mga karo ng Israel at ang mga mangangabayo niyaon” (2 Hari 13:14); at sinasabi tungkol sa lingkod ni Eliseo, "At idinilat ng Panginoon ang mga mata ng binata, at siya’y nakakita, at narito, ang bundok ay puno ng mga kabayo at ng mga karo ng apoy sa paligid ni Eliseo” (2 Hari 6:17).

Ang dahilan kung bakit sina Elias at Eliseo ay tinawag na karo ng Israel at kabalyero nito sapagka’t pareho silang kumakatawan sa Panginoon bilang Salita, ang karo ay nangangahulugan ng kalipunan ng aral na hinango mula sa Salita at ang kabalyero ay nangangahulugan ng pag-unawa. Sina Elias at Eliseo bilang kumakatawan sa Panginoon bilang ang Salita, ay tingnan ang Mga Lihim ng Langit 5247, 7643, 8029, 9372; at ang karo bilang nangangahulugan ng kalipunan ng pagtuturo na hinango mula sa Salita, ay tingnan ang §§5321, 8215.

  
/ 17