Des oeuvres de Swedenborg

 

Ang Puting Kabayo Inilarawan sa Pahayag 19 #0

Étudier ce passage

/ 17  
  

(Sinundan ng Materyal sa Ang salita at Ang Espirituwal o Panloob na Kahulugan Nito Hinango Mula sa Lihim ng Langit Ang Puting Kabayo Inilarawan sa Pahayag 19)

Mga Nilalaman

[1] Ang Puting Kabayo na Inilarawan sa Apocalipsis, §15

[2] Ang Salita at ang Espirituwal na Kahulugan Nito mula sa Mga Lihim ng Langit, §§617

/ 17  
  

Des oeuvres de Swedenborg

 

Ang Puting Kabayo Inilarawan sa Pahayag 19 #6

Étudier ce passage

  
/ 17  
  

6. Ang Salita at ang Espirituwal o Panloob na Kahulugan mula sa mga Lihim ng Langit

Sa pangangailangan at kahusayan ng Salita. Mula sa kalinawan sa lupa, tayo ay walang alam tungkol sa Panginoon, langit at impiyerno, ang ating buhay pagkatapos ng kamatayan, o ang mga banal na katotohanan na mahalaga para sa ating espirituwal at buhay na walang hanggan: 8944, 10318, 10319, 10320. Ang katunayan tungkol dito ay ang katotohanan na maraming mga tao, kabilang na ang mga iskolar, ay hindi naniniwala sa mga bagay na ito kahit na sila ay ipinanganak kung saan naroroon ang Salita at itinuro mula rito ang tungkol sa mga ito: 10319. Kaya’t kung bakit naging mahalaga na magkaroon ng ilang mga paghahayag mula sa langit, dahil ipinanganak tayo para sa langit: 1775. At ng dahil sa kadahilanang ito ay nagkaroon ng paghahayag sa bawat panahon: 2895. Impormasyon tungkol sa iba't ibang mga uri ng paghahayag sa mundong ito, na magkakasunud-sunod: 10355, 10632. Ang pinakaunang tao, na mga nabuhay bago ang Baha, na ang panahon ay tinawag na Ginintuang Panahon (Golden Age), ay nagkaroon ng direktang paghahayag ng banal na katotohanan na nakasulat sa kanilang mga puso: 2896. Ang mga sinaunang iglesiya na lumitaw pagkatapos ng Baha ay may Salita na naglalaman ng makasaysayan at propetikong materyal: 2686, 2897. (Tingnan sa Ang Bagong Jerusalem at Mga Aral 247 para sa impormasyon tungkol sa mga iglesiyang ito.) Ang mga materyal sa kasaysayan nito ay tinawag na Mga Pakikipagbaka ng Panginoon at ang mga propetikong materyal nito ay tinawag na Mga Pagbigkas: 2897. Ang Salita na ito ay tulad ng ating sariling Salita hinggil sa inspirasyon nito, nguni’t ito ay tinanggap sa mga iglesiyang iyon: 2897. Nabanggit ito ni Moises: 2686, 2897. Subali’t, ang Salita na ito ay nawala: 2897. Mayroon ding mga propetikong paghahayag mula sa ibang mga tao, gaya ng makikita natin mula sa mga propesiya ni Balaam [Numero 23, 24]: 2898.

[2] Ang Salita ay banal sa kabuuan at sa bawa’t detalye: 639, 683, 10321, 10637. Ang Salita ay banal at sagrado hanggang sa pinakamaliit na mga letra at dulo ng bawa’t titik: 1870 (kasama ang katibayan mula sa personal na karanasan). Kung paanong ipinapaliwanag ng mga tao sa panahong ito ang pagtitiyak na ang Salita ay inspirasyon hanggang sa pinakamaliit na titik: 1886.

[3] Ang iglesiya sa mahigpit na pagpapakahulugan ay kung saan naroroon ang Salita at ang Panginoon ay kinikilala sa pamamagitan nito at ang mga banal na katotohanan ay hinahayag: 3857, 10761. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ang mga tao ay masasabing mga tao ng iglesiya dahil ipinanganak kung saan naroon ang Salita at kinikilala ang Panginoon sa pamamagitan nito, kundi sa pamamagitan ng pagbuhay na muli (regenerated) na gawa ng Panginoon sa pamamagitan ng mga katotohanan mula sa Salita. Ito ang mga tao na namuhay ayon sa mga katotohanan nito – yaong namumuhay ng may pag-ibig at pananampalataya: 6637, 10143, 10153, 10578, 10645, 10829.

  
/ 17