4. Karaniwang kaalaman sa mga sinaunang iglesiya na ito ang ibig sabihin ng ng mga karwahe at kabayo, sapagka’t ang mga iglesiyang iyon ay puno ng simbolikong representasyon; at para sa mga tao ng mga iglesiyang iyon, ang kaalaman ng simbolismo at representasyon ay ang pangunahing anyo ng kaalaman. Ang kahulugan ng isang kabayo bilang pag-unawa ay lumaganap mula sa mga iglesiyang ito tungo sa matatalino ng mga nakapaligid na lupain, lalo na sa Greece. Humantong ito sa kasanayan ng pagpapakilala sa araw, kung saan inilagay nila ang kanilang diyos ng karunungan at katalinuhan na nakasakay sa isang karwahe na hinihila ng apat na malalaking kabayo.
Hindi lamang iyon, nang inilarawan nila ang diyos ng dagat, yamang ang dagat ay nangangahulugan ng imbakan ng kaalaman na nagmula sa pag-unawa, ay binigyan din siya ng mga kabayo; at nang inilarawan nila ang paraan ng pagusbong ng kaalaman mula sa pag-unawa, naisip nila ang isang kabayo na may pakpak na nagpasibol ng isang bukal sa pamamagitan ng kuko nito na dinaluhan ng siyam na birhen, na siyang iba-ibang uri ng kaalaman. Sa katunayan, naalaman nila mula sa mga sinaunang iglesiya na ang kabayo ay nangangahulugan ng pag-unawa, na ang mga pakpak ay nangangahulugan ng espirituwal na katotohanan, na ang kuko ay nangangahulugan ng isang bagay na makatotohanan na nagmumula sa pag-unawa, na ang bukal ay nangangahulugan ng isang teyolohikal na prinsipyo na nagpapaangat sa kaalaman. Ang kabayong Trojan ay tumatayo para sa isang bagay na tiyakang isinilang ng pag-unawa, ang layunin nito ay upang labagin ang mga pinader na depensa o panlaban.
Kahit ngayon, pagdating sa paglalarawan ng pag-unawa, ilang mga tao ay humihiram mula sa tinanggap na kaugalian ng mga sinaunang tao ng kasanayan sa paggamit ng imahe ng kabayong lumilipad, Pegasus, at ng paglalarawan ng mga aral bilang balon at ibat ibang uri ng kaalaman bilang mga birhen o dalaga. Gayunman, halos hirap na mapagtanto ng sinuman, na ang kabayo ay nangangahulugan ng pag-unawa, hinayaan na ang mga kahulugang ito ay kumalat mula sa sinauna, simbolikong mga iglesiya sa mga tao sa labas ng kanilang mga nasasakupan.