1. Sa Aklat ng Pahayag, ay ganito inilarawan ni Juan ang Salita tungkol sa espirituwal o pangloob na kahulugan nito:
At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katwiran siya’y humahatol at nakikipagbaka. At ang kanyang mga mata ay ningas ng apoy, at sa kanyang ulo ay maraming diadema; at siya’y may isang pangalang nakasulat, na sinoman ay di nakakaalam kundi siya rin. At siya’y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo: at ang kanyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Diyos. At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kanya na mga nakasakay sa mga kabayong puti, at nangangaramtan ng mahalagang linong maputi at dalisay. At siya’y mayroong isang pangalang nakasulat sa kanyang damit at sa kanyang hita, HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON. (Pahayag 19:11, 12, 13, 14, 16)
Sa pangloob na kahulugan lamang nito maaaring malaman ng sinuman kung ano ang mga partikular na detalyeng nakapaloob dito. Maliwanag na ang bawa’t isa ay kumakatawan at may kahulugan – ang langit na binuksan; ang kabayo na maputi; ang nakaupo rito; ang kanyang paghusga at pakikipagbaka ng makatarungan; ang kanyang mga mata ay isang nagniningas na apoy; ang pagkakaroon niya ng maraming mga hiyas sa kanyang ulo; ang pagkakaroon niya ng isang pangalan na walang nakakaalam maliban sa kanya; ang kanyang balabal na winisikan ng dugo; ang mga hukbo sa langit, nararamtan ng linong puti at malinis, sumusunod sa kanya sa mga puting kabayo; at ang pagkakaroon niya ng isang pangalan na nakasulat sa kanyang damit at sa kanyang hita. Maliwanag na sinasabi nito na ito ay ang Salita at ang Panginoon ang Salita, yamang sinasabi nito na "ang kanyang pangalan ay tinawag na ang Salita ng Diyos” at pagkatapos ay sinasabing “sa kanyang damit at sa kanyang hita ay may nakasulat na pangalan: Hari ng Mga Hari at Panginoon ng Panginoon."
[2] Kung binibigyan natin ng kahulugan ang mga indibidwal na salita, ay maaari nating makita na ito ay naglalarawan ng espirituwal o pangloob na kahulugan ng Salita. At nabuksan ang langit ay kumakatawan at nangangahulugan ng pangloob na kahulugan ng Salita na nakikita sa langit at kung gayon ay nakikita ng mga tao sa mundong ito kung kanino binuksan ang langit. Ang kabayo na maputi ay kumakatawan at nangangahulugan ng pag-unawa sa Salita hinggil sa kanyang malalim na nilalaman (ang dahilan ng kahulugan ng puting kabayo ay magiging malinaw sa mga sumusunod). Hindi mapagaalinlanganan, na ang nakasakay sa kabayo ay ang Panginoon bilang Salita at samakatuwid ay ang Salita, dahil sinasabi nito na "ang kanyang pangalan ay tinawag na Salita ng Diyos." Siya ay inilarawan bilang matapat at humahatol ng makatarungan sapagka’t siya ay mabuti, at siya ay inilarawan bilang tapat at ginagawang makatwiran ang pakikipagbaka sapagka’t siya ay totoo, yamang ang Panginoon mismo ay katarungan. Ang kanyang mga mata bilang isang nagniningas na apoy ay nangangahulugan ng banal na katotohanan na nagmumula sa banal na kabutihan ng kanyang banal na pag-ibig. Ang pagkakaroon niya ng maraming mga hiyas sa kanyang ulo ay nangangahulugan ng lahat ng uri ng kabutihan at katotohanan na kabilang sa pananampalataya. Ang pagkakaroon niya ng isang pangalang nakasulat na walang nakakaalam maliban sa kanya ay nangangahulugan ng kung ano ang katulad ng Salita sa kanyang pangloob na kahulugan na walang nakakakita maliban sa kanya at doon sa kanyang mga pinagpapahayagan. Ang kanyang balabal na winisikan sa dugo ay nangangahulugan ng Salita sa literal na kahulugan nito, na nagdusa ng karahasan. Ang mga hukbo sa langit na sumunod sa kanya na nasa mga puting kabayo ay nangangahulugan ng mga taong mayroong pag-unawa sa mas malalim na nilalaman ng Salita. Ang kanilang pananamit ng pinong lino, puti at malinis, ay nangangahulugan na ang mga taong ito ay may kamalayan ng katotohanan na nagmumula sa paggawa ng mabuti. Ang pagkakaroon niya ng isang pangalan na nakasulat sa kanyang balabal at sa kanyang hita ay nangangahulugan ng kung ano ang totoo at kung ano ang mabuti, at kung ano ang katulad ng katotohanan at ng kabutihan.
[3] Maaari nating makita mula rito at mula sa una at sa sumusunod [ang mga talatang ito mula sa Salita] na mayroong isang hula na sa mga huling panahon ng iglesiya, ang espirituwal o pangloob na kahulugan ng Salita ay mabubuksan. Kung ano ang mangyayari ay inilalarawan sa mga talatang Pahayag 19:17, 18, 19, 20, 21.
Hindi na kailangang ipakita dito na ito ang kahulugan ng mga salitang ito, dahil ang mga detalye ay ipinaliwanag sa Mga Lihim ng Langit (Secrets of Heaven) gaya ng sumusunod:
Ang Panginoon ang Salita sapagka’t siya ay banal na katotohanan: Mga Lihim ng Langit 2533, 2813, 2894, 5272, 8535. Ang Salita ay banal na katotohanan: 4692, 5075, 9987. Sinasabi na yaong nakaupo sa kabayo ay humahatol at nakikipaglaban ng makatarungan sapagka’t ang Panginoon ay katarungan; ang Panginoon ay tinawag na "katarungan" sapagka’t niligtas niya ang sangkatauhan sa pamamagitan ng kanyang sariling kapangyarihan: 1813, 2025, 2026, 2027, 9715, 9809, 10019, 10152. Ang katarungan ay isang uri ng pagkilala o merito na Panginoon lamang ang nagmamayari: 9715, 9979. Ang kanyang mga mata na isang nagniningas na apoy ay nangangahulugan ng banal na katotohanan na mula sa banal na kabutihan ng kanyang banal na pag-ibig, dahil ang mga mata ay nangangahulugan ng pag-unawa at ng katotohanan na kabilang sa pananampalataya: 2701, 4403–4421, 4523-4534, 6923, 9051, 10569; at ang ningas ng apoy ay nangangahulugan ng kabutihan ng pag-ibig: 934, 4906, 5215, 6314, 6832. Ang mga hiyas sa kanyang ulo ay nangangahulugan ng lahat ng mga uri ng kabutihan at katotohanan na nabibilang sa pananampalataya: 114, 3858, 6335, 6640, 9863, 9865, 9868, 9873, 9905. Ang pagkakaroon niya ng isang pangalan na nakasulat na walang nakakaalam maliban sa kanya ay nangangahulugan ng walang sinuman nakakakita kung ano ang Salita sa kanyang pangloob na kahulugan nito maliban sa kanya at sa kung sino lamang ang nais niyang pagpahayagan, sapagka’t ang pangalan ay nangangahulugan ng tunay na katulad ng bagay na pinangalanan: 144, 145, 1754, 1896, 2009, 2724, 3006, 3237, 3421, 6674, 9310. Ang kanyang balabal na itinubog sa dugo ay nangangahulugang ng Salita sa literal nitong kahulugan, na nagdusa ng karahasan, dahil ang ibig sabihin ng balabal ay katotohanan dahil ang katotohanan ang nagdaramit sa kung ano ang mabuti: 1073, 2576, 5248, 5319, 5954, 9212, 9216, 9952, 10536 (at ito ay may partikular na pinagsanggunian (reference) sa pinaka panglabas na mga anyo ng katotohanan at ito ay ang Salita sa kanyang letra o titik: 5248, 6918, 9158, 9212); at dahil ang dugo ay nangangahulugan ng karahasan na isinakit (inflicted) sa totoo ng kung ano ang hindi totoo: 374, 1005, 4735, 5476, 9127. Ang mga hukbo sa langit na sumunod sa kanya na nasa mga puting kabayo ay nangangahulugan ng mga taong may malalim na pagkaunawa sa nilalaman ng Salita, sapagka’t ang mga hukbo ay nangangahulugan ng mga taong mayroong pag-unawa sa katotohanan at pagibig sa paggawa ng mabuti na katangian ng langit at ng iglesiya: 3448, 7236, 7988, 8019; ang kabayo ay nangangahulugan ng pag-unawa: 3217, 5321, 6125, 6400, 6534, 6534, 7024, 8146, 8381; at puti ay nangangahulugan ng katotohanan na nasa liwanag ng langit at samakatuwid ay nangangahulugan ng mas malalim na katotohanan: 3301, 3993, 4007, 5319. Ang kanilang pananamit ng pinong lino, puti at malinis, ay nangangahulugan ng mga taong may kamalayan sa katotohanan na nagmumula sa paggawa ng mabuti, sapagka’t ang lino o pinong lino ay nangangahulugan ng katotohanan na nagmula sa langit, ang katotohanang nagmumula sa kung ano ang mabuti: 5319, 9469. Ang pagkakaroon ng isang pangalan na nakasulat sa kanyang damit at sa kanyang hita ay nangangahulugan ng kung ano ang totoo at kung ano ang mabuti, at kung ano ang katulad ng katotohanan at ng kabutihan na iyon, sapagka’t ang balabal ay nangangahulugan ng kung ano ang totoo at ang pangalan ay nangangahulugan ng kung ano ang katulad ng katotohanang iyon (gaya ng nabanggit sa itaas), at ang hita ay nangangahulugan ng kabutihan na nagmumula sa pag-ibig: 3021, 4277, 4280, 9961, 10488. Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon ay ang Panginoon tungkol sa banal na katotohanan at banal na kabutihan. Ang Panginoon ay tinawag na "Hari" dahil sa kanyang banal na katotohanan: 3009, 5068, 6148. Tinawag siyang "Panginoon" dahil sa kanyang banal na kabutihan: 4973, 9167, 9194. Makikita natin mula dito kung ano ang Salita sa kanyang espirituwal o pangloob na kahulugan at wala ni isang salita sa loob nito na hindi naglalaman ng bagay na espirituwal, bagay na tungkol sa langit at simbahan.


